Ang DSWD Municipal Operations Office (MOO) ay nakatanggap ng mga parangal mula sa katatapos na 2024 4Ps Program Implementation Review na ginanap sa Hotel Supreme Convention Plaza, Baguio City noong November 6-8, 2024.
Ang MOO-Bayambang ay itinanghal bilang may “Best Gender and Development (GAD) Lens,” “SWDI Tool Champion,” at may “Highest Percentage of Self-sufficient Household Beneficiaries.”
Sa individual category naman, binigyan ng parangal sina Lawrence Roy P. Domagas at Mary Anne S. Olpindo bilang “Rookie of the Year,” Lawrence Roy P. Domagas bilang “Most Responsive MOO Staff,” at sina Melody Sagun, Angelica Lorraine Tino, at Benigno Tamayo bilang may “SWDI Encoding Proficiency.”
Ang mga pagkilalang ito ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok (convergence) ng bawat opisina ng LGU at sa maalab na suporta ni Mayor Niña Jose-Quiambao. (RSO; DSWD-MOO)