Monthly Meeting ng Pangasinan Budget Officers, Idinaos Dito

Noong November 7, ang buwanang pagpupulong ng na Pangasinan League of Local Budget Administrators ay ginanap sa Niña’s Café.

Ito ay pinangunahan ng kanilang presidente na si Atty. Jessa Joy Royupa.

Kabilang sa kanilang tinalakay ang Barangay Budgeting System gamit ang Mind Concepts Solution.

Ang mga bisita ay mainit na winelcome nina Mayor Niña Jose-Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at OIC Municipal Budget Officer Christine Bautista at kanyang staff. (RSO; JMB)