Monthly Meeting ng IT TWG, Tinalakay ang Preventive Maintenance at Paggamit ng Network Attached Storage

Sa pagpupulong sa unang quarter ng taon ng Information Technology Technical Working Group ng LGU, tinalakay ang regular na preventive maintenance activity para sa lahat ng IT equipment ng LGU at kahalagahan ng paggamit ng Network Attached Storage.

Ginanap ang pagpupulong sa Balon Bayambang Events Center noong Enero 28, 2025.

Dito ay tinalakay din ang mga dapat ihanda ng bawat opisina sa pagsasagawa ng preventive maintenance, kabilang ang mga computers at iba pang IT equipment.

Pinangunahan ang talakayan ng mga staff mula sa Information and Communications Technology Office na sina Armando Junio II, Joshua Alvarez, at MJ Manalo. (Clarence Apolonio, VMF/RSO; larawan: JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka