Noong February 18, ang BBB Monitoring Team ay dumiretso sa walong barangay ng District 8 ng bayan.
Ito ay kinabibilangan ng Brgy. Bacnono, Ataynan, Buenlag 1st, Buenlag 2nd, Mangayao, Tambac, Nalsian Norte, at Nalsian Sur, kung saan mabusising nag-evaluate ang dalawang teams na pinangungunahan nina SK Fed President John Roy S. Jalac at SB Committee Chairperson on Environment, Coun. Rhyan P. de Vera.
Matapos ang inspeksyon sa 3 grading aspects (Bloom, Green, at Clean), agad din silang nagbigay ng kanilang kumento at suhestiyon mula sa kanilang obserbasyon upang mas mapaganda at mas mapanatiling malinis ang mga barangay na siyang isa sa pangunahing adbokasiya ni Mayor Niña Jose-Quiambao. (Ray Hope O. Bancolita; BBB)





