Nagtungo sa District 4 ang Bali-Balin Bayambang Committee upang magmonitor sa mga barangay para sa Bali-Balin Bayambang cleanliness project ni Mayor Niña noong Pebrero 4, 2026.
Dalawang monitoring team ang itinalaga upang magsagawa ng masusing pag-iikot at ebalwasyon sa mga nasasakupang barangay ng District 4: Brgy. Carungay, Darawey, at Dusoc.
Saklaw ng isinagawang ebalwasyon ang tatlong pangunahing aspeto ng programa: (BLOOM o Bougainvillea & SK Eco Space na may 30%, GREEN o Food Gardening & Ornamental Plants na may 30%, at CLEAN na kinabibilangan ng Solid Waste Management, ZOD at Drainage, at Hayop Mo, Tali Mo na may 40% na puntos.)
Layunin ng programa na ito na masuri ang aktibong partisipasyon ng mga barangay, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.
Kabillang sa mga evaluator sa proyektong ito ang SK Federation, SB Committee on Environment, Liga ng mga Barangay, Administrator’s Office, LYDO, RHUs, MNAO, Engineering, Agriculture, MENRO/ESWMO, at DILG (WMC; RHOB/BBB)







