Nag-umpisa na ang Bali-Balin Bayambang Committee sa pagmomonitor sa mga barangay para sa Bali-Balin Bayambang clean and green project ni Mayor Niña noong Enero 28, 2026.
Dalawang monitoring team ang itinalaga upang magsagawa ng masusing pag-iikot at ebalwasyon sa mga nasasakupang barangay ng district 5. Ang Team 1 ay nagtungo sa barangay Inirangan, Reynado, Caturay, at Sanlibo, habang ang Team 2 naman ay sumaklaw sa Idong, Inanlorenza, Maigpa, at Tanolong.
Saklaw ng isinagawang ebalwasyon ang tatlong pangunahing aspeto ng programa: Ang BLOOM o Bougainvillea & SK Eco Space na may 30% na puntos, GREEN o Food Gardening & Ornamental Plants na may 30%, at CLEAN na kinabibilangan ng Solid Waste Management, ZOD at Drainage, at Hayop Mo, Tali Mo na may 40%.
Ang programana ito ay para masuri ang aktibong partisipasyon ng mga barangay, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan. (KBP/RSO; RHOB)





