Mock ISO 2015:2009 Audit, Isinagawa bilang Paghahanda sa 2nd Surveillance Audit

Mula Hulyo 1 hanggang 3, 2025, ang lahat ng departamento ng LGU-Bayambang ay sumabak sa tatlong araw na mock audit, upang siguraduhing handa ang LGU sa nalalapit na Second Surveillance Audit sa darating na Hulyo 15, 2025.

Pagkatapos ng mock auditing exercise kada departamento, isang closing meeting ang isinagawa sa Mayor’s Conference Room upang talakayin ang mga naging resulta.

Inisa-isa sa mga presentasyon ang mga naging obserbasyon, finding, at mga rekomendasyong dapat isaalang-alang upang pahusayin pa ang mga proseso ng bawat opisina.

Inilahad din ang mga positibong praksis na nakuha sa audit, gayundin ang mga bahagi ng operasyon na nangangailangan ng kaukulang pag-aayos at karagdagang pagtutok upang masigurong alinsunod ang lahat sa itinakdang ISO standards. (RGDS/RSO; JMB)