Matagumpay na nakakolekta ng 32 bags ng dugo ang Rural Health Unit I sa isinagawang Mobile Blood Donation Drive ngayong araw, ika-18 ng Mayo, 2026, sa Brgy. Tamaro Covered Court.
Ang naturang aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross (PRC) – San Carlos City Chapter.
Umabot sa 46 na indibidwal ang nagparehistro at nagpakita ng suporta sa programa. Matapos ang masusing screening , 32 sa kanila ang kwalipikado at matagumpay na nakapag-donate ng dugo.(KB/RSO; RHU)






