Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kwalipikadong blood donors na makilahok sa Mobile Blood Donation Drive na gaganapin sa July 6 sa Balon Bayambang Events Center. Magsisimula ang aktibidad mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross at Philippine Coconut Authority. Layunin nitong madagdagan ang suplay ng dugo at makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.

