Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang 2026 First Quarter Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Meeting kung saan tinalakay ang mga accomplishment para sa calendar year 2025, gayundin ang mga planong hakbang sa kasalukuyang taon.
Binigyang-diin sa pulong ngayong araw, January 15, 2026, sa Mayor’s Conference Room, ang mga plano ng mga miyembro ng MDRRMC upang higit pang mapabuti ang koordinasyon ng mga ahensya, mapalakas ang kapasidad ng mga barangay, at matiyak ang mas maagap at epektibong serbisyo sa oras ng kalamidad.
Nagbigay-daan din ang pulong sa ibang usapin na may kaugnayan sa patuloy na pagpapabuti ng DRRM initiatives ng lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng hangaring mapanatili ang kaligtasan at katatagan ng mga Bayambangueño laban sa iba’t ibang banta ng sakuna. (WMC; Rob Cayabyab)




