Namahagi ng hot meals si Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center dahil sa pananalasa ng bagyong Uwan.
Sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), tiniyak ng pamahalaang bayan na may mainit na pagkain at sapat na tulong ang bawat evacuee.
Kasabay nito, patuloy ang isinasagawang damage assessment at paghahanda para sa rehabilitasyon. (VMF/KB;MSWDO)


