Tinanggap ng may 940 na kawani ng gobyernong lokal ang bagong set ng uniporme mula kina Dr. Cezar T. Quiambao at Mayor Niña ngayong araw Pebrero 18, 2026, sa tulong ng HRMO.
Lubos ang pasasalamat ng mga kawani dahil malaking katipiran ito anila sa kanilang taunang clothing allowance.
Matatandaang simula noong taong 2016, nakagawian na ng first couple ng Bayambang ang pagbibigay ng libreng uniporme sa mga empleyado bilang suporta nila sa paghahatid ng mga ito ng serbisyong publiko.
Maraming salamat po, Sir Cezar at Mayor Niña! (John Paulo Ballesteros/KBP/RSO; John Paulo F. Ballesteros)








