Muling ipinagkaloob ni Mayor Nina Jose-Quiambao (MNJQ) ang kinakailangang pondo para sa tuition fees ng mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College (BPC) para sa ikatlong quarter ng taong 2026.
Mula nang itatag ang BPC noong 2022, personal na sinasagot ni Mayor Nina ang tuition fees ng mga estudyante upang matiyak na ang bawat kabataang Bayambangueño ay mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo nang walang tuition fee. Dahil dito, mula first year hanggang fourth year, hindi kailangang magbayad ng tuition fee ang mga estudyante ng BPC.
Ngayong 2026, muling naglaan si Mayor Nina ng mahigit ₱15 milyon mula sa kanyang personal na pondo upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbabayad sa mga instructors at matugunan ang iba pang mahahalagang pangangailangan ng kolehiyo.
Sa kasalukuyan, hindi pa ganap na kayang tustusan ng BPC ang sarili nitong operasyon dahil hindi pa ito tumatanggap ng regular na subsidy mula sa national government. Sa kabila nito, patuloy ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang dekalidad at abot-kayang edukasyon para sa mga kabataan.
Dahil dito, itinuturing na malaking oportunidad para sa mga Bayambangueño ang pagkakaroon ng isang kolehiyong nagbibigay ng libre at dekalidad na college education—isang oportunidad na patuloy na naisasakatuparan sa pamamagitan ng malasakit, suporta, at personal na sakripisyo ni Mayor Nina.
Sa mahigit 1,200 estudyante ng BPC, gayundin sa kanilang mga pamilya at sa buong bayan ng Bayambang, isang taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa kanyang patuloy na pagsuporta sa edukasyon at sa kinabukasan ng kabataang Bayambangueño.
Maraming salamat po, Mayor Nina, sa patuloy na paninindigan na ang edukasyon ay isang oportunidad na dapat abot-kamay ng bawat Bayambang.




