Noong June 18 at 19, ang Municipal Nutrition Committee ay sumabak sa isang Local Nutrition Action Planning Workshop upang ayusin ang budget allocation ng LGU para sa nutrisyon sa 2026-2028 Annual Investment Plan nito.
Ang budget allocation ay nakatuon sa mga intervention sa first 1,000 days of life at sa mga school children sa pamamagitan ng nutrition action plan na dapat ay naka-angla sa mga prayoridad ng updated Provincial Development and Physical Framework Plan, Comprehensive Development Plan, at Local Development Investment Program ng LGU at may kaugnayan sa Philippine Plan of Action for Nutrition 2025.
Kabilang sa mga naging resource persons sina National Nutrition Council – Region I OIC-Nutrition Program Cordinator Kendall Pilgrim Gatan, NNC-Region I Nutrition Officer II Wylibeth L. Binayan, LGU-Bayambang OIC-MPDO Ma-lene S. Torio. (RSO; MNAO)