MNC, Sumabak sa 3-Day Nutrition in Emergency Training

Upang mapalakas ang kahandaan ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan sa nutrisyon tuwing may sakuna o emergency, sinimulan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) ang tatlong araw na pagsasanay ngayong araw, Oktubre 14, 2025, sa Mayor’s Conference Room.

Bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang pagbubukas ng programa sa pamamagitan ng kaniyang pambungad na mensahe.

Sa Nutrition in Emergencies (NIEM) Training, napaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kasapi ng Municipal Nutrition Committee (MNC) hinggil sa mga konsepto ng nutrisyon sa panahon ng sakuna, mabilis na pagsusuri sa kalagayan ng nutrisyon, at pagbuo ng Nutrition in Emergencies Plan para sa bayan.

Nagsilbing resource speaker ng programa sina G. John Philip Gabriel, MNAO ng Bacnotan, La Union at G. Shamrock Bas-ilan, Nutrition Officer II ng National Nutrition Council (NNC) ng Region 1, na tumalakay sa kahalagahan ng epektibong pagpaplano sa sektor ng nutrisyon kung sakaling magkaroon ng sakuna o kalamidad.

Aktibong nakilahok ang lahat ng kasapi ng konseho at tiniyak ang maayos at sabayang pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa oras ng kalamidad o kahit anong emergency situation. (JLT/RSO; JMB)