Ang Bayambang Municipal Nutrition Committee ay muling naging Green Banner Awardee sa ikatlong magkakasunod na taon ng evaluation, kaya ito ay naging contender sa unang pagkakataon sa CROWN Award o Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition ng National Nutrition Council Region I.
Noong October 30, 2024, pinangunahan ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Sangguniang Bayan Committee Chairman on Health, Councilor Levinson Nessus Uy, ang pagtanggap ng LGU sa pagkilala bilang “Rank 1 among the 3rd Green Banner Seal of Compliance” ayon sa evaluation ng Pangasinan Provincial Nutrition Team at NNC Region I at samakatwid ay eligible para sa CROWN validation sa national level.
Natanggap din ng Bayambang ang mga special awards na “LGU with Established Nutrition Office,” “LGU First 1000 Days Adopter,” at “LGU with Consistent Malnutrition Reduction in 3 Years.”
Kasama sa mga miyembrong tumanggap ng pagkilala sa ginanap na awarding ceremony sa Leisure Coast Resort, Dagupan City ay ang MNAO, mga RHU, MSWDO, MPDC, at MAC.
Samantala, kinilala rin ang Brgy. Sancagulis Barangay Nutrition Scholar na si Analiza Natividad bilang finalist sa Search for Regional Outstanding BNS. Kanyang tinanggap ang parangal kasama si Sancagulis Punong Barangay Melencio Papio. (RSO; ED/VMO)