Mini-Shelter for Stray Pets, Tinulungan

Isang taga-Brgy. Pantol ang binigyan ni Mayor Niña Jose-Quiambao noong  Agosto 8, 2024, ng isang jetmatic at mga tubo upang magkaroon ng source ng running water ang kanyang ipinatayong mini-shelter para sa mga nirescue na stray pets. Ang naturang mini-shelter ni Alexis Esguerra Panusa ay mayroong pitong alagang aso at 42 na pusa. (RSO; AG)