Mini-Job Fair, Nilahukan ng mga Bayambangueño; 59 Aplikante, Naging HOTS

Aktibong nakibahagi ang mga Bayambangueño sa isinagawang mini-job fair ng Public Employment Service Office (PESO) ngayong Setyembre 25 sa Balon Bayambang Events Center, kung saan umabot sa 59 aplikante ang hired on the spot (HOTS) out of 171 registrants.

Iba’t ibang industriya at larangan ang nagbukas ng oportunidad, kabilang ang food service at retail, logistics at delivery, production at quality control, human resources at administration, sales at marketing, edukasyon at kalusugan, pati na rin ang iba’t ibang teknikal at suportang serbisyo.

Ayon sa PESO, layunin ng aktibidad na ito na patuloy na magbukas ng oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho at palakasin ang kabuhayan ng mga residente. (WMC; AG, PESO)