Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, muling inilunsad ang Millennial Farmers’ Association ng Bayambang o MFAB noong August 28, 2024, sa Events Center sa pagtutulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team at Municipal Agriculture Office.
Inanyayahan dito ang mga Sangguniang Kabataan Presidents, mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College, partikular na ang mga may kursong Agri-Business, at mga mag-aaral ng tatlong eskwelahan sa sekondarya ng Bayambang para buksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa kahalagahan ng pagsasaka sa ating pamayanan.
Naroon bilang panauhing pandangal sina 2023 National Young Farmers Challenge awardee Shawnie Dhale Bitso, JSJ Goat Farm owner Jeffrey Lim, at Quin Eco and Livestock Integrated Manager, Dr. Gerald L. Quint, upang ibahagi ang kani-kanilang mga kaalaman at pinagdaanan tungo sa tagumpay sa agrikultura. (VMF/RSO; AG)