Ang mga micro-enterprises sa Bayambang ay hinandugan ng isang Safety and First Aid Training ng Red Cross Pangasinan Chapter at ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 kasama ang PESO Bayambang noong ika-23 ng Setyembre 2024.
Ang mga lokal na negosyante ay binigyan ng kaalaman tungkol sa mga wastong pamamaraan upang siguruhin ang kaligtasan sa kanilang mga business establishment.
Pinangunahan ng mga eksperto mula sa Red Cross ang talakayan na tumutok sa tamang paggamit ng mga first aid kit, pagtugon sa emergency cases, at emergency preparedness.
Ang mga participants ay binigyan din ng mga praktikal na pagsasanay upang mas maunawaan ang mga konseptong itinuro. (KALB/RSO; JMB)