Mga Tumanggap ng Sari-saring Tulong, Nagpasalamat kay Mayor Niña

Ang pamilya Matabang ng Estacion ay nagpapasalamat kay Mayor Niña matapos mabigyan ng isang wheelchair ang kanilang inang si Nanay Nieves Bamba dela Cruz na 101 years old, sa tulong ng MSWDO.

Dalawa namang pasyente na natulungan ng Mayor’s Action Center ang naghatid ng mensahe ng pasasalamat kay Mayor Niña sa pamamagitan ng liham. Ito ay matapos silang mahatiran ng sari-saring serbisyo at tulong pinansiyal matapos maospital ang kani-kanilang mga kaanak dahil sa malubhang sakit.