Mga Tsikiting, Ipinamalas ang Husay sa Talent Competition

Pinabilib ng mga batang kalahok sa Talent Competition ng Little Mr. and Ms. Bayambang 2025 ang mga hurado at manonood ngayong araw, Marso 14, 2025, sa isang pagtatanghal na puno ng sigla.

Isa-isang ipinamalas ng mga tsikiting ang kanilang kahusayan sa iba’t ibang larangan, mula sa pag-awit, pagsayaw, hanggang sa madamdaming pagbigkas ng tula, at iba pang malikhaing pagtatanghal.

Ang Talent Competition ay isa sa mahahalagang bahagi ng kompetisyon upang ipakita hindi lamang ang ganda at tindig ng mga kalahok, kundi pati na rin ang kanilang angking talento at kumpiyansa.

Abangan ang grand finals sa darating na April 1 mula 10:00 AM sa Balon Bayambang Events Center. (KB/RSO; Simon Vince H. Mariñas)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka