Ang Bayambang Public Safety Office (BPSO), sa ilalim ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, ay nagsagawa ng isang Traffic Management and Radio Operator Seminar sa SB Session Hall, noong Hulyo 11, 2025.
Layunin ng seminar na mapaigting ang kaalaman ng mga traffic enforcer at radio operator sa batas-trapiko, ligtas na pakikipagkomunikasyon gamit ang radyo, at tamang pagresponde sa mga insidente sa lansangan.
Ang seminar ay dinaluhan ng lahat ng mga traffic enforcer ng BPSO.
Sila ay winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rajini Sagarino-Vidad, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng disiplina at koordinasyon sa mga enforcer at operator bilang mga tagapangalaga ng kaayusan sa lansangan.
Kabilang sa mga naging guest speakers sina PLT Jojo C. Baldovieso, PCMS Freddie R. Dela Cruz, PSSG Edison P. Caranto, PSSG Wilfred B. Fonbuena, at PAT Eric B. Fernandez mula HPG Pangasinan; PMSG Crisalyn S. de Villa ng PNP Bayambang; Mr. Benson Resuello at Mr. Jobelle Quinto mula sa LTO Bayambang; at Engr. Arvin Lance H. Cabanlig mula sa NTC Region 1.
Isinulong din sa seminar na ito ang kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno upang higit pang mapanatili ang disiplina, kaayusan, at kaligtasan sa mga kalsada ng Bayambang. (KB/RSO; JMB)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka









