Mga Streetlight sa Dusoc-Darawey-Wawa Rd., Muling Pinailaw

Sa inisyatiba ng Bayambang Public Safety Office at (BPSO) at Task Force Disiplina (TFD), muling pinailaw ang mga streetlight sa kahabaan ng Dusoc-Darawey-Wawa Road noong March 17, 2026, matapos ang mga ito ay basagin diumano ng mga di pa nakikilalang indibidwal.

Ito ay naging isinagawa sa pakikipagtulungan sa CENPELCO sa pangunguna ni Director, Engr. Felipe Rivera Jr., at ng Municipal Engineering Office.

Sa hakbang na ito, tinitiyak na maging mas maliwanag at ligtas na daanan ang naturang kalsada para sa mga motorista lalo na sa oras ng gabi kung kailan mataas ang posibilidad ng aksidente at iba pang hindi kanais-nais na insidente.

Patunay lamang ito ng patuloy na dedikasyon ng BPSO at TFD sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga kalsada at mapanatili ang kaligtasan ng bawat Bayambangueño.

Nakikiusap naman ang BPSO at TFD sa mga residente at motorista na maging mapagpatyag at agad na isuplong sa mga otoridad kapag may nakitang streetlight vandals sa lugar. (BPSO/TFD/RSO; BPSO/TFD)