Noong Oktubre 24, sama-samang bumisita sa Bayambang ang mga pinakasikat na motorcycle vloggers ng bansa para sa pagbubukas ng Pangasinan leg ng Philippine Motorcycle Tourism, isang aktibidad ng Philippine Tourism Board upang ipromote ang angking kagandahan ng ating bansa, safe driving, at pangangalaga sa kalikasan.
Ang mga rider-vloggers na sina Jet Lee, Lady Rider, Zara Moto, at iba pa, kasama ng kanilang mga followers, ay nagtipon-tipon sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at bumisita sa Municipal Museum, St. Vincent Ferrer Parish Church, at Niña’s Cafe para sa kick-off ceremony, bago tumulak sa ibang destinasyon sa probinsya at sa Northern Luzon.