Mga SB Secretary ng Pangasinan, Nagpulong Dito

Noong December 7, nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Philippine League of Secretaries to the Sanggunian – Pangasinan Chapter sa Bayambang, pati na ang Legislative Staff Association of Pangasinan, para sa kanilang Year-End General Assembly.

Ang grupo, na pinamumunuan ni PLEASES President Vivian Mordin, ay binigyan ng mainit na welcome ni Bayambang SB Secretary Joel V. Camacho at kanyang staff sa Balon Bayambang Events Center.

Naging panauhing pandangal si Mayor Niña Jose-Quiambao, na siya ring nag-sponsor kasama si SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, ng food at raffle prizes sa event na nagkakahalaga ng P100,000.

Samantala, nanalo ang Bayambang SB Dancers sa ginanap na dance contest sa nasabing event.

(by Vernaliza M. Ferrer/RSO; Photo: Ace Gloria)