Mga Sagabal na Poste ng Telco, Dinemolish

Dalawang poste ng Digitel ang giniba ng Anti-Dangling Wire Team ng LGU at ng mga telco ngayong araw, August 12, 2025, sa harapan ng public market at Mercury Drug store, bilang parte pa rin ng clearing operations ng grupo alinsunod sa ipinasang ordinansa ng Sangguniang Bayan at bilang pagtalima na rin sa direktiba ng Pangulo at DILG at sa Task Force Disipina ng LGU-Bayambang na magsagawa ng walang tigil na road clearing operations.

Ang mga naturang poste na nakahambalang sa sidewalk ay hindi lang sagabal para sa mga pedestrian kundi pati na rin sa mga slow-moving vehicle dahil napipilitang baybayin ng mga ito ang daan para makaiwas sa mga nakabalandrang posteng ito. (RSO; Anti-Dangling Wire Team)