Mga RHU, Nag-Info Drive hinggil sa Female Reproductive Illnesses at Oral Health

Nag-organisa ang mga Rural Health Units (RHU) ng isang information-education campaign (IEC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang “We are for gender equality and inclusive society.”

Tinalakay sa information drive ang mga usapin hinggil sa mga karaniwang sakit sa reproductive system ng mga kababaihan, pati na ang oral health problems, at ang prevention, transmission, at treatment nito. Layunin nitong dagdagan ang kaalaman ng mga kababaihan upang mas maunawaan ang mga sakit sa reproductive system at oral health at makaiwas sa mga ito.

Nakilahok sa nasabing aktibidad ang mga presidente ng KALIPI mula sa iba’t ibang barangay ng Bayambang.

Ang pagtitipon ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong ika-20 ng Marso 2024.

Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas at pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kalusugan ng mga kababaihan, pati na rin sa pagsusulong ng gender equality at inclusive society sa ating bayan.

(ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)