Bilang parte ng Rabies Awareness Month celebration, ang RHU I ay kasalukuyang nagsasagawa ng information-education campaign (IEC) sa apat na malalaking high school sa Bayambang.
Ang team ay nagtungo noong March 5, 2025, sa Tanolong National High kung saan nakinig ang may 200 na estudyante.
Sila ay nakatakdang maglecture sa March 12 sa Tococ National High School kung saan mayroong kalahok na 200 students, at March 13 sa Bayambang National High School kung saan dadalo ang may 200 students.
Nagsilibing lecturer ang mga public health nurse na sina Karen Blosan, Mark Darius Gragasin, at Mike Dominic Gragasin.
Bawat lecturer ay sabay-sabay na naglecture sa 50 na estudyante.
Layunin ng antirabies campaign sa mga paaralan na paalalahanan ang mga kabataan na mag-ingat laban sa naturang nakamamatay at walang lunas na sakit, masabihan ang kanilang mga magulang, nakababatang kapatid, at iba pang kamag-anak, at magsagawa ng first aid kung sakaling di inaasahang makagat ng aso o pusa. (RSO; RHU)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NIÑAAROTAKA