Nagkaroon ng pagpupulong ang pamahalaang bayan ng Bayambang kasama ang mga vendor ng Nalsian Sur Talipapa upang talakayin ang tungkol sa business permit at mga kinakailangang dokumento para maging legal na ang operasyon ng kanilang mga negosyo.
Pinangunahan ang pulong ni OIC Business Permit and Licensing Officer, Atty. Mary Grace Agas-Lacerna.
Tinalakay rin sa nasabing pagpupulong ang pagsasaayos ng mga puwesto ng mga vendor upang maging mas organisado ang talipapa. Napag-usapan din ang paglalaan ng parking space para sa mga mamimili upang mapanatili ang kaayusan at mas maging maginhawa ang pamimili sa lugar.
Dumalo sa pagpupulong sina Municipal Legal Officer, Atty. Bayani B. Brillante Jr.; Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo; at Municipal Engineer Bernadette D. Mangande.
Kasama rin sina Municipal Planning and Development Officer, EnP Ryan James Nicholai L. Dizon; Municipal Environment and Natural Resources Officer Ma-Lene S. Torio; at Deputy Officer ng Task Force Disiplina, 1Lt Amory M. Junio.
Dumalo rin si Nalsian Sur Punong Barangay Martin M. Delfin.
Isinagawa ang pagpupulong noong Mayo 14, 2026 sa Nalsian Sur Barangay Hall. (MADL/RSO; JMB)






