Mga PWD at Senior Citizen, Tumanggap ng 1 Cerebral Palsy Wheelchair at 10 Adult Wheelchairs

Ang Persons with Disability Office ay muli na namang nagbigay ng libreng assistive devices sa mga may kapansanan at sa mga senior citizen.

Isang recipient ang nakatanggap ng isang cerebral palsy wheelchair, habang sampu naman ang tumanggap ng tig-iisang adult wheelchair.

Ang mga naturang assistive device ay tinanggap ng mga magulang, anak, at guardian ng mga naturang PWD at senior citizen. (RSO; JRA/PDAO)