Mga Punong Barangay, Sumalang para sa Gaganaping BNEO Program

Nag-organisa ang Department of Local and Interior Government (DILG) sa pamumuno ni MLGOO Johanna Montoya ng isang Barangay Newly Elected Officials (BNEO) Orientation para sa 77 Punong Barangay ng Bayambang, noong Pebrero 6, 2024 sa Balon Bayambang Events Center.

Sa orientation ay naging tagapagsalita ang iba’t ibang opisyal ng munisipyo, kung saan naging paksa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC); Barangay Peace and Order Council (BPOC); Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA); Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG); Katarungang Pambarangay; CVOs at BHWs service incentive; Kalinisan Day; at iba pa.

Layunin nito na ipaalam sa mga Punong Barangay ang mga responsibilidad na kanilang gagampanan sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa pulong ay dumating si BM at Liga President Raul R. Sabangan upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe sa mga kapitan, kung saan tinatayang 50 sa mga ito ang bagong halal.

(ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria/Sergio delos Santos/Liga)