Bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng UNDAS 2025, ipinatawag ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang ang mga punong barangay sa isang coordination meeting na ginanap sa Balon Bayambang Events Center, noong Oktubre 29.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga usapin hinggil sa traffic management, re-routing schemes, security measures, at crowd control sa paligid ng mga sementeryo at pangunahing kalsada sa bawat barangay.
Dumalo rito ang mga opisyal mula sa mga barangay na maaapektuhan ng nakatakdang pagbabago sa daloy ng trapiko, kabilang ang Bani, Bical Norte, Zone II, Zone III, Zone IV, Zone VI, Zone VII, Tamaro, Ligue, Nalsian Sur, Asin, Sapang, at Duera.
Nanguna sa diskusyon ang mga kinatawan mula sa MDRRMO, MENRO, BPSO, Task Force Disiplina, PNP, BFP, at si BM Raul Sabangan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at opisyal ng barangay, ay magiging maayos, mapayapa, at organisado ang paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa. (WMC; JMB)






