Sa ginanap na Municipal Development Council (MDC) Meeting, tinalakay ang implementasyon ng mga programa at paggamit ng pondo ng bayan, kabilang ang 2026 Annual Investment Program (AIP) Accomplishment Report, 20% Development Fund Accomplishment Report, at budget utilization at fund performance ng pamahalaang bayan.
Tinalakay rin sa pulong ang pag-apruba sa Supplemental Investment Program No. 3 para sa taong 2026, na inaasahang magsisilbing dagdag na hakbang upang masuportahan ang mga prayoridad na proyekto at pangangailangan ng iba’t ibang sektor sa bayan.
Pinangunahan ang MDC Meeting ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama sina SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, Board Member at Liga ng mga Barangay President Raul R. Sabangan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at iba pang opisyal, nitong Mayo 19, 2026 sa Balon Bayambang Events Center, kasama ang mga Punong Barangay ng 77 barangays, 34 accredited Civil Society Organizations (CSOs), mg miyembro ng Local Finance Committee, at mga opisyal at kinatawan ng lokal na pamahalaan.
Dumalo sa naturang pagpupulong sina Malasiqui Councilor Jessica Gueco, kinatawan ni 3rd District Congresswoman Rachel Arenas, MPDC EnP Ryan James Nicholai Dizon, Municipal Engr. Bernadette Mangande at mga kinatawan ng iba’t ibang departamento.
Bilang pagtatapos, nagkaroon ng bukas na dayalogo o open forum kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong at magpahayag ng kanilang mga suhestiyon at saloobin, habang nagbigay naman ng paglilinaw at kasagutan ang mga resource speakers hinggil sa mga usaping tinalakay sa pulong.(RGDS/RSO; RobC, AG)












