Mga Polisiya at Programa para sa Kababaihan at Kabataan, Tinalakay sa Joint 2nd Quarterly Meeting ng LCPC at LCAT-VAWC

Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, isinagawa ang Joint 2nd Quarterly Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) ngayong araw, Hunyo 29 sa Mayor’s Conference Room.

Tinalakay sa pagpupulong ang pag-update ng Comprehensive Children’s Welfare Code ng Bayan ng Bayambang, Executive Order para sa LCPC at LCAT-VAWC, at ang pagbabalangkas ng mga polisiya, resolusyon, at rekomendasyon para sa higit pang pagpapaigting ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng kababaihan at mga bata.

Pinag-usapan din ang panukalang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng LGU at mga non-government organizations (NGOs), civil society organizations (CSOs), at pribadong sektor upang palakasin ang pagsasagawa ng mga capacity-building activities.

Ibinahagi rin ang mga update kaugnay ng Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) 2026, resulta ng LCPC 2026 assessment, at ang First Quarter Accomplishment Report ng LCPC at LCAT-VAWC mula Enero hanggang Marso 2026.

Naging Presiding Officer ng pulong si Councilor Jocelyn Espejo kasama sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at MSWD Officer Kimberly Basco, kasama ang mga miyembro ng LCPC at LCAT-VAWC.

Ang naturang pagpupulong ay naging mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng koordinasyon at pagpaplano ng mga programa at polisiya na naglalayong pangalagaan ang karapatan, kapakanan, at kaligtasan ng mga kababaihan at kabataang Bayambangueño. (KB/RSO; AG)