Sa ginanap na pagpupulong ng Local School Board (LSB) ngayong araw, October 2, 2025, sa Agriculture Office Conference Room, Legislative Building, tinalakay ang mga gagawing paghahanda para sa World Teachers’ Day Celebration, Civil Service Awards, at ang supplemental budget ng Don Teofilo Elementary School.
Sa ngalan na Mayor Niña Jose-Quiambao at sa pangunguna ni LSB Executive Director Rolando Gloria, pinag-usapan din ang mga panukalang proyekto tulad ng covered court para sa Tanolong National High School, drainage system sa Malioer Elementary School, konstruksyon ng bagong infrastructure building, at SPED comfort room sa Bayambang Central School.
Layunin ng mga aktibidad at planong ito na mapabuti ang pasilidad at serbisyong pang-edukasyon sa buong bayan. (text: APV/RSO; photos: AG)








