Mga Plano para sa Women’s Night 2026, Tinalakay

Bilang bahagi ng Women’s Month Celebration, nagsagawa ng isang pinal na pagpupulong ang lokal na pamahalaan na dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan ng bawat departmento, ngayong araw, Pebrero 10, 2026 sa Agricultural Office Conference Room upang talakayin ang mga paghahanda para sa nalalapit na Women’s Night Celebration 2026.

Pinangunahan ang nasabing pulong ni RHU III head, Dr. Roland Agbuya. Kabilang din sa mga dumalo ay sina Councilor Jan Nazer David Junio, Councilor Zerex Terrado, Councilor Raymund Camacho, Councilor Rhyan de Vera, at SB Secretary Joel Camacho.

Naging sentro ng usapan ay ang pinal na pag-aayos sa programang Women’s Night 2026, partikular na ang daloy ng programa, gawain, at responsibilidad ng bawat departamento, budget, pati na ang paghahanda ng mga programa at imbitasyon para sa aktibidad. (Arianne Angel A. Villanueva/John Loyd Tamondong; AG)