Mga Panibagong Tulong Pang-Edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting

Muling tinalakay ang mga pangunahing usapin hinggil sa edukasyon sa isinagawang pulong ng Local School Board (LSB) noong Oktubre 30, 2025, sa Sangguniang Bayan Session Hall.

Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, pinangunahan ang pulong ni LSB Executive Director Rolando Gloria, kasama si Councilor Jan Nazer David B. Junio.

Kabilang sa mga pinagtuunan ng pansin ang savings para sa professional development training ng mga teachers na P500,000 at savings mula sa bidded SEF project na P873,000 (na may kabuuang halaga na P1,373,000), na nakatakdang gawing supplemental budget para sa 60 printers para sa lahat ng paaralan at limang laptop, dalawang 75-inch smart TV, coupon bond para sa lahat ng teachers, SPED comfort room sa Bayambang Central School, at konstruksyon sa Malioer Elementary School.

Naroon din si PSU-Bayambang Campus Special Projects Director, Dr. Armando D. Junio, upang talakayin ang kanilang panukalang pagtuturo sa mga paaralan upang ukol sa Teenage Pregnancy ukol sa teenage pregnancy.

Pinarangalan din si outgoing Municipal Treasurer Luisita Danan sa kanyang naging kontribusyon bilang LSB member.

Ang nasabing pagpupulong ay isang hakbang ng LSB sa kanilang pangako na paunlarin ang mga programang nakasentro sa kabataan at mga paaralan, bilang pundasyon ng patuloy na pag-unlad ng edukasyon sa Bayambang. (RSO; Karl Vincent Alvarez)