Mga Paaralan sa Bayambang, Nakiisa sa 51st National Nutrition Month

Ang iba’t ibang paraalang pang-elementarya sa bayan ng Bayambang ay nakilahok sa pagdiriwang ng ika-51 na National Nurition Month.

Ang Cason Elementary School (ES) ay nagsagawa ng posting ng informative tarps, information drive/lecture, calamansi planting, at slogan and poster making contest.

Ang Tampog ES ay naglagay ng mga informative posters at nagsagawa ng mga patimpalak gaya ng coloring, slogan, poster-making, longest and biggest fruit or vegetable, at nutri-cookfest.

Ang San Vicente ES ay may sari-saring kumpetisyon, kabilang ang biggest fruits and veggies, poster-making contest, coloring, at nutri-quiz.

Ang Tococ East-West ES ay naglunsad ng poster-making at slogan contest at saka cookfest.

Ang Amancosiling ES naman ay nagsagawa ng pagbati challenge at search for outstanding gulayan garden.

Ilan lamang sila sa mga paaralan na nagsagawa ng sari-saring gimik mahikayat lamang ang mga mag-aaral na tangkilikin ang pagkain ng masusustansyang pagkain. (RSO; DepEd Bayambang I and II schools)