Noong June 24, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang ipinasang mga ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ukol sa proyektong “Bali-Balin Bayambang” at ang “Creation and Abolition of Various Positions in the Municipality of Bayambang.”
Matagumpay na dipensahan ng SB ang naturang mga ordinansa sa kapitolyo, sa pangunguna ni Vice-Mayor Ian Camille C. Sabangan at ng mga Municipal Councilors, kasama si SB Secretary Joel V. Camacho. (RSO; photo: SP)