Ang lahat ng Sangguniang Bayan Members at mga opisyal ng barangay ng Bayambang, kabilang ang mga SK, ay nakilahok sa 3rd District Liga ng mga Barangay-Pangasinan Provincial Congress 2026 na ginanap mula Marso 8 hanggang Marso 13 sa Puerto Princesa, Palawan, kung saan tinalakay ang iba’t ibang usapin at programang may kaugnayan sa pagpapalakas ng pamamahala sa barangay, paghahatid ng mas epektibong serbisyo publiko, at pagpapaunlad ng mga komunidad.
Sa pangunguna ni Board Member Raul Sabangan, kasama si Vice Mayor IC Sabangan, isinagawa ang kongreso batay sa temang “Forum on Sustainable Barangay Disaster Prevention, Anti-Drug Abuse Council and Its Impact on Barangay Development.”
Sa naturang pagtitipon, nagkaroon ng mga talakayan at pagbabahagi ng kaalaman hinggil sa mga programa ng pamahalaan, pamumuno sa barangay, at mga estratehiya sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kahandaan sa sakuna.
Naging panauhing pandangal ang Assistant LDRRMO ng Palawan CDRRMO na si Ms. Sweet Jenette Lacao, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa disaster preparedness at mga hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng mga komunidad sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakuna. (RSO; SB)



