Mga Negosyante, Dumalo sa DTI Awareness Seminar ukol “Juana Make a Mark” Program ng IPO

Ang mga lokal na negosyante ay dumalo sa isang online Awareness Seminar na hatid ng Department of Trade and Industry ukol (DTI) sa “Juana Make a Mark” Program ng Intellectual Property Office (IPO), upang palakasin ang kaalaman ng mga negosyante laban sa pamemeke at hindi awtorisadong paggamit ng kanilang mga gawa.

Ito ay isinagawa noong July 16, 2025, sa pangunguna ng DTI Pangasinan at Negosyo Center Bayambang, katuwang ang LGU, sa Mayor’s Conference Room, bilang bahagi ng adbokasiya ng DTI sa pagtataguyod ng karapatang intelektwal.

Ipinakilala sa seminar ang programang “Juana Make a Mark” bilang isang registration incentive program na layuning tulungan lalo na ang mga kababaihan at maliliit na negosyante na maiparehistro at maprotektahan ang kanilang mga produkto, serbisyo, at likha sa pamamagitan ng trademark, patent, copyright, at iba pang intellectual property rights.

‎Nagsilbing resource speaker si Engr. Halen P. Gamisera, isang IP Field Operation Specialist mula sa Intellectual Property Office of the Philippines, na nagbigay ng malalim na talakayan tungkol sa kahalagahan ng intellectual property sa pagnenegosyo. (RGDS/RSO; JMB)