Mga Natatanging Kawani ng LGU, Pinarangalan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission, kinilala ng LGU-Bayambang ang mga natatanging lingkod-bayan na hinirang bilang ulirang kawani o model employee ng kani-kanilang tanggapan sa isinagawang flag-raising ceremony ngayong araw, September 29, sa Balon Bayambang Events Center.

Malugod na iginawad ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga parangal at nagpahayag ng pasasalamat sa mga empleyadong nagsisilbing huwaran ng sipag, integridad, at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Mary Rose R. Aquino ng Accounting Office; Valentine G. Dela Cruz ng Administration Office; Engr. Florelexie A. Valentin ng Agriculture Office; Marilou R. Magat ng Bids and Awards Committee (BAC); Francis Lord A. Salosagcol ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT); John B. Opina ng Bayambang Public Safety Office (BPSO); Michael John P. Capudoy ng Budget Office; Beberly T. Fernandez ng Engineering; Basilio Valdez ng Environmental and Solid Waste Management Office (ESWMO); Mark C. Monderin ng General Services Office (GSO), Nancy R. Flores ng Human Resource Management Office (HRMO); Christopher Alvarez ng Internal Audit Services Office (IAS); Lloyd Neil Diaz ng Information and Communications Technology Office (ICT); Glenn Albert Malicdem ng Local Civil Registry Office (LCR); John Luke P. Ora ng Municipal Advisory Council (MAC); Rex S. Chico ng Mayor’s Office (M.O.); Sherly Tinte ng Nutrition Office; Jinky P. Justo ng Rural Health Unit I (RHU I); Annabelle D. Ramos ng Rural Health Unit III (RHU III); Jennifer Tabuga ng RHU III; Joana Marie A. Solis ng Special Economic Enterprises Office (SEE); Myra Flor Ferrer ng Treasury Office; Jonas D. Santiago ng Sangguniang Bayan (SB); Eduardo Dulay ng Vice Mayor’s Office (VMO), at Dennis Flores ng Public Employment Service Office (PESO).

Ang mga pinarangalan ay nagsisilbing inspirasyon ng kanilang mga kapwa kawani sa pagbibigay ng tatak “total quality service” na paglilingkod para sa bayan ng Bayambang. (WMC/RSO; AG)