Mga Natatanging Bayambangueño, Kinilala sa 7th Matalunggaring Awards 2025

Iginawad ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang ang pinakamataas na pagkilala sa mga natatanging Bayambangueño sa 7th Bayambang Matalunggaring Awards, na ginanap noong ika-2 ng Abril sa Pavilion 2, St. Vincent Ferrer Prayer Park, bilang bahagi ng ikatlong araw na pagdiriwang ng Bayambang Pista’y Baley 2025 na may temang “Mangkirlap, Magaygayagan Bayambang!”

Kinilala sa prestihiyosong seremonyang ito ang mga indibidwal na nagpakita ng natatanging galing, dedikasyon, at malasakit sa bayan sa kani-kanilang larangan.

Pinarangalan ang anim na huwarang Bayambangueño na sina Maria Mina Luz Mataban Lim (Teknolohiya at Pamamahala), Dr. Amado M. Layog (Medisina), Agnes C. Brillante-Santos (Pananalapi at Pagbabangko), Dr. Ernesto Trinidad Mataban (Serbisyong Pangkalusugan), Mr. Leovigildo ‘Leo’ Miguel Giron (Isports), at Rev. Msgr. Orlando C. Sabangan, PC (Espirituwal na Paglilingkod). Ang kanilang husay at dedikasyon ay nagsilbing inspirasyon sa buong Bayambang.

Isa-isang tinanggap ng mga awardee ang kanilang parangal sa entablado, kasama ang isang ginintuang tropeo na inspirasyon mula sa Pamahalaang Lokal ng Bayambang, bilang simbolo ng kanilang walang kapantay na kontribusyon sa lipunan.

Binigyang-diin ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa kanyang talumpati ang diwa ng 7th Matalunggaring Awards bilang simbolo ng kahusayan at paglilingkod: “Nag-ukit kayo ng kasaysayan at nagsilbing ilaw sa ating bayan. Hindi lang ito tungkol sa inyong mga titulo, kundi sa inyong malasakit at kontribusyon sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kababayan.”

Dinaluhan ang seremonya ng mga kilalang personalidad sa bayan, kabilang sina Municipal Mayor Nina Jose-Quiambao, SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, Municipal Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at Liga ng mga Barangay President-Pangasinan Chapter Board Member Raul Sabangan, pati na rin ang mga Honorable Councilors, LGU Department Heads sa pamumuno ni Municipal Administrator, Atty. Rodelyn Rajiini Sagarino-Vidad, LGU-BEA, Rotary Club, mga Punong Barangay, SK Chairpersons, JKQMWC, at ilang dating awardees kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan.

Sa ikapitong taon nito, muling pinangunahan ang programa ng Chairman ng Matalunggaring Awards Committee, Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho.

Isinulat ni: Vernice Mae P. Calaunan

Mga Larawan nina: Francklin Benedict S. Gomez, Raxle D. Mangande, JMB

Iniwasto ni: G. Frank Brian S. Ferrer / G. Mark Ivhan Jay N. Peralta

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaaroTaKa