Mga Nagwagi sa Pista’y Baley Mural Painting Contest, Inanunsyo

Ang mga nagwagi sa katatapos na Pista’y Baley Mural Painting Contest na ginanap noong March 30, 2026, sa may Agno River Dike ay inanunsyo ngayong araw, April 14, sa Sangguniang Bayan Session Hall.

Itinanghal na grand prize winner si Ricardo Diaz na tumanggap ng ₱15,000.

Nakuha naman ni Joleah Tulagan ang 1st place at nag-uwi ng ₱12,000, sinundan ni John Bishmark Quinagon bilang 2nd place at nag-uwi ng ₱10,000, ni Kiel Halasan bilang 3rd place at nag-uwi ng ₱8,000, at ni Dhieb Ordonia bilang 4th place at nag-uwi ng ₱5,000. Tumanggap din ng tig-₱1,000 ang 15 non-placers bilang consolation prize.

Kinilala ang mga kalahok sa kanilang husay at pagkamalikhain sa pagpapakita ng sining na sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng Bayambang bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista’y Baley 2026.

Ang patimpalak ay naglalayong mahikayat ang mga lokal na artista na maipamalas ang kanilang talento, habang pinayayaman ang sining at kultura sa bayan. (RGDS/RSO; JMB)