Makabago, makulay, at makabayang ganda.
Ganyan ang maiisip ng mga nanood sa pagrampa ng mga naggagandahang dilag ng Binibining Bayambang 2025 sa mga modernong Filipiniana na obra ng lokal na fashion designer na si Glenn Gonzales sa ‘Magana’ Fashion Show, noong November 24, 2025 sa Municipal Hall compound.
Ang eksibisyon ng mga kasuotan ay bahagi ng paggunita ng SingKapital, o ang maksaysayang deklarasyon ng unang pangulo ng Pilipinas sa bayan ng Bayambang bilang ikalimang kabisera ng republika noong 1899. (Dexter Cayabyab, Wrensly M. Calimlim/RSO; JMB)













