Nagtagisan ang mga kalahok sa isinagawang patimpalak sa Short Story at Poetry Writing kung saan sinuri ng mga hurado ang kanilang mga likha batay sa orihinalidad, lalim ng mensahe, at husay sa paggamit ng wika. Maingat na pinag-aralan ng mga tagahatol ang bawat akda upang matukoy ang mga pinakamahusay na manunulat na tunay na nagpakita ng talento at malikhaing pag-iisip. Layunin ng patimpalak na hikayatin ang mga kabataan at manunulat na ipagpatuloy ang pagsusulat bilang paraan ng pagpapahayag at pagpreserba ng kulturang Filipino.








