Nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga lokal na magsasakang apektado ng El Niño matapos silang mabigyan ng iba’t ibang ayuda sa ginanap na ceremonial distribution sa Narciso Ramos Sports Complex Grandstand noong July 19, 2024, sa Lingayen, Pangasinan.
Sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office, tinanggap ng LGU Bayambang ang 1,083 bags ng hybrid rice seeds. Bukod pa rito, nabigyan din ang dalawang farmers’ association ng Bayambang ng kani-kanilang makinarya.
Ang Gabay sa Bagong Pag-asa Pangasinan Cluster Association Inc. ay tumanggap ng isang multi-purpose cultivator habang ang Bayambang District 7 Corn Cluster Organization Inc. ay tumanggap ng isang corn combine harvester.
Nabigyan din ang Bayambang ng isang (1) unit ng 20-foot fiberglass reinforced plastic (FRP) motorized fishing boat bilang parte ng Livelihood Assistance Project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa palaisdaan ng Brgy. Langiran. (RSO; MAO)