Ang Bayambang District 7 Cluster Organization, Inc. ay tumanggap ng isang yunit ng recirculating dryer na nagkakahalaga ng P2,940,000.00 sa ilalim ng Corn Program ng Department of Agriculture – Regional Field Office I (DA-RFO I), sa tulong at patuloy na suporta ng Municipal Agriculture Office ng Bayambang.
Ang recirculating dryer ay isang mahalagang pasilidad na makatutulong sa mga magsasaka upang mas mapanatili ang kalidad ng kanilang ani, mabawasan ang post-harvest losses, at mapataas ang halaga ng kanilang mga produktong mais.
Sa pamamagitan nito, mas magiging episyente ang pagpapatuyo ng ani lalo na sa panahon ng pabago-bagong kondisyon ng panahon, na magbibigay ng mas malaking oportunidad para sa mas mataas na kita ng mga benepisyaryong magsasaka.
Ang proyektong ito ay hindi lamang isang kagamitan kundi isang pamumuhunan para sa mas matatag, produktibo, at maunlad na kinabukasan ng ating sektor ng agrikultura.
Taos-puso nating binabati ang Bayambang District 7 Cluster Organization, Inc. sa pagkakamit ng proyektong ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang samahan ng mga magsasaka upang patuloy na magkaisa, makilahok sa mga programa ng pamahalaan, at sama-samang isulong ang pag-unlad ng agrikultura sa ating bayan. (Raiza Cacal Turalba; MAO)





