Nagpaligsahan ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang distrito ng Bayambang sa isang patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Magsasaka, Marso 31.
Sa kumpetisyong ito, itinampok ang pinakamalalaki at pinakamahahabang bunga mula sa mga itinanim ng mga magsasakang Bayambangueño.
Sa pinakamalaking sibuyas, nanguna ang District 4 na may 29 cm ang haba.
Ang District 8 naman ang nagwagi sa pinakamahabang talong na umabot sa 21 cm na haba.
Hindi rin nagpahuli ang District 7 na itinanghal na panalo sa pinakamalaking mais na sukat na 14 cm.
Wagi naman ang District 1 sa pinakamahabang malunggay na umabot ng isang metro ang haba.
Sa kabilang dako ay nangibabaw ang District 3 sa pinakamalaking kalabasa na may circumference na 97 cm.
Ginawaran bawat isa ang mga nagsipagwagi ng P1,000 cash prize at sertipiko ng pagkilala bilang pabuya sa mga pambihira nilang mga pananim.
Isinulat n: Djonna Catrise V. Bato
Mga Larawan nina: Aaron Gabriel P. Mangsat, JV Baltazar
Iniwasto nina: G. Frank Brian S. Ferrer / G. Mark Ivhan Jay N. Peralta